Tuluyang pagkabura ng polio outbreak sa Pilipinas, malaki ang maitutulong upang tumaas ang tiwala ng publiko sa mga bakuna ayon sa CHR

Umaasa ang Commission on Human Rights (CHR) na tataas ang pagtitiwala ng publiko sa bakuna kasunod nang inanunsyo ng Department of Health (DOH) na natuldukan na ang polio outbreak matapos ang dalawang taong panunumbalik nito sa bansa simula noong September 2019.

Ayon kay CHR Spokesperson Atty. Jacqueline de Guia, isa itong positibong development sa harap ng pakikipaglaban ng bansa sa banta ng pandemya.

Ani De Guia, patunay lang ito na epektibo ang mga nalilikhang vaccines.


Ipinakita rin aniya nito na malaki ang tulong ng collective action sa pagpigil ng pagkalat ng anumang nakamamatay na sakit.

Pinapurihan ng CHR ang DOH dahil sa maagap na aksyon partikular ang paglulunsad ng tuluy-tuloy na supplemental immunization campaign upang makamit ang 87.3% na target population na nabakunahan.

Facebook Comments