Tuluyang pagkontrol ng China sa South China Sea – ibinabala ni Senior Associate Justice Antonio Carpio

Manila, Philippines – Nagbabala si Senior Associate Justice Antonio Carpio na posibleng tuluyan nang makontrol ng china ang kabuuan ng South China Sea.

 

Kasunod ito ng umano’y planong pagtatayo ng China ng Environmental Monitoring Station sa pinag-aagawang Scarborough Shoal kung saan maaari itong magpatupad ng Air Defense Identification Zone (ADIZ).

 

Sinabi ni Carpio na gagamit ang China ng HQ-9 missile para ipatupad ang ADIZ.

 

Maliban dito, nakapaglagay na rin missile ang China sa Paracel Islands sa South China Sea na inaangkin din ng Vietnam at Taiwan.

 

Giit ni Carpio, kapag tuluyang ipinatupad ng china ang ADIZ sa Scarborough Shoal, makukuha nito ang 80% ng exclusive economic zone ng bansa at ang kabuuan ng extend continental shelf ng West Philippine Sea kung saan may sovereign rights ang Pilipinas.

 

Noong isang taon, matatandaang kinatigan ng Permanent Court of Arbitration ang Pilipinas sa kaso nito noong 2012 laban sa China na umaangkin sa Scarborough Shoal.

 

Si Carpio ay bahagi ng legal team ng Pilipinas sa mga isinagawang pagdinig sa The Hague Netherlands ukol dito.

Facebook Comments