
Maghahain ng panibagong reklamo sa House Committee on Ethics and Privileges ang National Unity Party (NUP) upang hilingin ang expulsion o tuluyang pagpapatalsik sa Kamara kay Cavite 4th District Representative Kiko Barzaga, na ngayon ay suspendido ng 60 araw.
Ayon kay House Deputy Speaker Ronaldo Puno, na siya ring chairman ng NUP, paulit-ulit at mukhang hindi na titigil si Barzaga sa mga negatibong puna at patuloy na pagsira sa buong institusyon.
Diin ni Puno, hindi sinusunod ni Barzaga ang utos ng komite at ng buong Kamara at nagpapakita siya ng asal na hindi akma para sa isang mambabatas.
Para kay Puno, si Barzaga ay kasiraan at nagiging problema lamang ng Kamara.
Facebook Comments










