Tuluyang pagsasaayos sa mga paaralan na napinsala ng baha sa Marikina, aabutin pa hanggang sa susunod na linggo

Aabutin pa hanggang sa susunod na linggo ang pagsasaayos sa mga paaralan sa Marikina City.

Ayon sa Marikina LGU, kasalukuyang nasa mahigit 50% pa lamang ang natapos nila sa paglilinis sa mga maputik na lugar sa Marikina.

Nagtutulong-tulong na rin ang ilang ahensya ng pamahalaan, pribadong sektor, volunteer groups at mga residente ng lungsod sa paglilinis sa mga apektadong lugar.


Inuuna nila sa paglilinis ang mga kalsada para sa kaligtasan ng bawat mamamayan.

Partikular na ginamitan ng mga heavy equipment ang Barangay Malanday at Barangay Industrial Valley Complex.

Facebook Comments