Bilang pakiki-isa sa mga battered husband sa katatapos na selebrasyon ng Father’s Day ay muling iginiit ni Davao del Norte, 1st District Rep Pantaleon Alvarez ang pagsasabatas ng panukalang Diborsyo.
Ayon kay Alvarez, may emosyon rin ang mga tatay kaya umiiyak, nasasaktan, at nahihirapan din sila lalo na ang mga naiipit sa magulo, mapang-abuso, at hindi masayang pagsasama.
Ayon kay alvarez, sa mga mag-asawa, ay meron ding mga battered husbands na madalas nakakalimutan nating bigyan ng pansin at isinasantabi lang dahil sa pag-iisip na okay lang dahil lalake naman sila.
Kaya naman giit ni Alvarez, marapat na bigyan din natin sila ng pagkakataon na makalaya sa mga ganitong sitwasyon sa pamamagitan ng pagsasaligal ng diborsyo.
Naniniwala si Alvarez na kapag nangyari ito ay mas magiging mabuti silang ama.