TUMAAS | Apatnapung bagong kaso ng mga nagkasakit ng HIV-AIDS, mga menor de edad

Manila, Philippines – Nababahala si Assistant Minority Leader Harlin Neil Abayon sa paglobo ng bilang ng mga kabataang nagkakasakit ng HIV-AIDS.

Aabot sa 40 mula sa 1,021 HIV-positive ang mga bagong naitalang mga kabataan na nagpositibo sa nasabing sakit.

Ang mga ito ay nasa pagitan ng edad na sampu hanggang labing syam na taong gulang.


Hiwalay pa sa bilang na ito ang dalawang batang mas mababa sa sampu ang edad na nahawaan ng HIV-AIDS dahil sa mother-to-child transmission.

Nangangamba ang kongresista dahil nakuha ng mga kabataan ang sakit sa pamamagitan ng pakikipagtalik kung saan 2 male to female contact, 25 ang male to male contact at 13 naman ay dahil sa male and female contact.

Mas mataas ang kaso ng pagkakasakit ng HIV-AIDS sa NCR dahil sa pakikipagtalik sa kapwa lalaki na nasa 45% habang sa Central Visayas naman ay may mga naitalang kaso ng injecting drug sa pagpasa ng nasabing sakit.

Facebook Comments