TUMAAS | Bahagyang pagtaas ng unemployment rate, tanggap ng pamahalaan

Manila, Philippines – Tanggap ng Palasyo ng Malacañang ang lumabas na balita na tumaas ng bahagya ang unemployment rate sa bansa noong 2017 kung ikukumapara noong 2016.

Umakyat kasi sa 5% ang unemployment rate noong nakaraang taon kung ikukumpara sa 4.7% noong 2016.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, totoo na mayroong maliit na pagtaas pero mababa aniya ito kung ikukumpara sa mga naitala noong 1990s kung saan nasa mahigit 10% ang unemployment rate.


Pero ibinida ni Roque na tumaas man ng bahagya ang unemployment rate ay bumaba naman ang under-employment rate kung saan naitala ito sa 15.9% mula sa 18% noong 2016.

Ito aniya ang pinaka-mababang underemployment rate sa bansa sa loob ng 10 taon.

Pero tiniyak naman ni Roque na patuloy ang Pamahalaan sa pagbibigay ng mga livelihood opportunities sa mga Pilipino at pagsusulong sa kapakanan ng mga empleyado.

Patunay aniya dito ang malaking tax exemption sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law kung saan hindi na kailangan pang magbayad ng buwis ang mga empleyadong nakatatanggap ng hindi tataas sa 250 libong piso kada taon.

Facebook Comments