TUMAAS | Bilang ng mga batang namatay matapos maturukan ng Dengvaxia vaccine, lumobo

Manila, Philippines – Lumobo pa ang bilang ng mga batang namatay matapos maturukan ng Dengvaxia vaccine.

Sa tala ng Department of Health (DOH), umabot na sa 62 ang kaso ng pagkamatay na iniuugnay sa bakuna.

Pero ayon kay Health Undersecretary Enrique Domingo, patuloy sila sa pagkalap ng medical records ng mga karagdagang kaso bago ito dalhin sa Philippine General Hospital dengue investigative task force (PGH-DITF) para imbestigahan.


Facebook Comments