TUMAAS | Bilang ng mga nakolektang traffic violation fines nitong 2017, lumaki ayon sa MMDA

Manila, Philippines – Tumaas ang nakolektang multa ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa mga paglabag sa batas trapiko noong nakaraang taon.

Sa datos ng MMDA, umabot sa higit 126 million pesos na traffic violation fines ang kanilang nakolekta nitong 2017.

Mas mataas kumpara sa higit 99 million pesos noong 2016.


Resulta ito ng mahusay na performance ng mga tauhan ng MMDA traffic discipline office na siyang nakatutok sa traffic management at traffic law enforcement sa Metro Manila.

Pumalo naman sa higit 400,000 ang total apprehension.

Inilabas din ng MMDA ang top 10 violations na kadalasang nakukuha ng mga motorista sa kalsada.

1. Disregarding traffic sign
2. Road obstruction
3. Paglabag sa number coding
4. Illegal parking (not-towed)
5. Illegal parking (towed)
6. Paglabag sa loading and unloading zone
7. Truck ban
8. Stalled vehicle
9. Reckless driving
10. Pribadong sasakyan na gumagamit ng yellow lane

Ang top 5 administrative violations naman ay:

1. Out-of-line operations
2. Colorum operation
3. Pamemeke ng official receipt at certificate of registration
4. Colorum cargo vehicles
5. Ilegal na paglilipat ng registration plates, tags at stickers

Dahil dito, patuloy na itataguyod ng MMDA ang tatlo ‘e’ sa traffic management sa kamaynilaan: ito ay ang ‘enforcement’, ‘engineering’ at ‘education’.

Facebook Comments