Manila, Philippines – Umabot sa halos 100,000 Pilipino ang naging manggagawa abroad nitong 2017.
Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), tinatayang nasa 2.34 million na Pilipino ang nagtatrabaho abroad sa pagitan ng Abril at Setyembre 2017.
Mas mataas ng 4.42% o 2.24 million na naitala noong 2016.
53.7% ng mga OFW ay mga babae habang 46.3% lang ay mga lalaki.
Ang Saudi Arabia ang pangunahing destinasyon ng mga OFW na may 25.4%, kasunod ang United Arab Emirates (UAE-15.3%), Kuwait (6.3%) at Hong Kong (6.5%).
Mula Abril hanggang Setyembre 2017, aabot sa 205.2 billion pesos ang remittance na ipinadala ng mga OFW sa Pilipinas, mataas sa 203 billion pesos na narekord noong 2016.
Ang 2017 Survey on Overseas Filipinos (SOF) ay sakop lamang ang mga OFW na may edad 15-anyos pataas na nagtatrabaho abroad mula April 1 hanggang September 30, 2017.