TUMAAS | Bilang ng mga turistang dumayo ng Boracay nito Marso, mas mataas ngayong taon – Aklan Provincial Tourism Office

Manila, Philippines – Tumaas ang bilang ng mga turistang pumupunta sa Boracay nitong Marso kumpara noong nakaraang taon.

Batay sa datos na hawak ng economic enterprise development department ng Aklan Provincial Tourism Office, tumaas ng 7 percent o 172,358 ang bilang ng mga turista sa Boracay ngayong taon mula sa 160,696 noong March 2017.

Ayon kay Caticlan at Cagban Jetty Port Administrator Niven Maquirang, karamihan sa mga turista ay dumating sa isla sakay ng mga cruise ships.


Aniya, 27 cruise ships ang inaasahang pupunta sa isla ngayong taon, at lima dito ang bibisita ngayong April.

Paglilinaw naman ni Maquirang, hindi nakakadagdag sa polusyon sa isla ang mga cruise ships dahil nagtatagal lamang ito sa lugar ng anim hanggang walong oras.

Facebook Comments