Manila, Philippines – Muling nagtaas ng interest rate ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Dahil dito, inaasahang madagdagan ang gastos ng mga mahilig gumamit ng credit cards at iba pang may utang sa bangko.
Ayon kay BSP Governor Nestor Espenilla Jr., nagdagdag sila ng 25 basis points sa overnight borrowing rate.
Gayunman, nasa mga bangko na aniya ang desisyon kung magtataas din sila o hindi.
Ngayong taon lang, dalawang beses nang nagtaas ng interes ang BSP.
Nabatid na kung ang interes sa utang ng isang konsumer ay 3 porsiyento, maaari na itong itaas hanggang 3.5 porsiyento.
Facebook Comments