Tumaas ang export revenues ng Pilipinas nitong Oktubre 2018.
Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), umabot sa $6.11 billion ang export revenue, mataas ng 3.3% kumpara sa $5.91 billion na naitala sa kaperahas na panahon noong nakaraang taon.
Resulta aniya ito ng pagtaas ng sales sa top export commodities ng bansa – kabilang ang copper concentrates, machinery and transport equipment, saging, iba pang manufactured good, miscellaneous manufactured articles, metal components at electronic products.
Nananatiling top export ng Pilipinas ang electronic products na may $3.25 billion total revenue.
Ang Estados Unidos ang nangungunang top export destination ng Pilipinas, kasunod ang Japan, China, Hong Kong, Singapore, Korea, Thailand, Germany, Taiwan at France.