Manila, Philippines – Tumaas ng siyam na porsyento ang farm gate price ng palay sa bansa sa pagpasok ng buwan ng Abril.
Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang average price ng palay ay nagmahal ng 20.55 pesos kada kilo mula sa 18.78 pesos kada kilo noong nakaraang taon.
Ang average wholesale price ng well-milled rice ay tumaas ng pitong porsyento o katumbas ng 40.85 pesos kada kilo.
Ang average retail price ng well-milled rice ay umangat ng limang porsyento o 43.70 pesos kada kilo.
Wholesale price ng regular-milled rice ay umakyat sa 37.31 pesos per kilo habang ang retail price nito ay nasa 39.91 pesos per kilo.
Ang pagmahal ng presyo ay dulot ng kakulangan ng supply ng murang NFA rice na siyang nagsisilbing nagtatatag ng presyuhan ng bigas sa merkado para maiwasan ang pagtaas ng halaga ng commercial rice.