Manila, Philippines – Patuloy na nakapagtatala ng mataas na foreign tourist arrivals ang Department of Tourism (DOT) ngayong 2018.
Base sa pinakahuling datos ng DOT, nitong nagdaang buwan ng Hulyo nasa 601, 322 ang turistang kanilang naitala. Mas mataas ng 5.86% kumpara sa higit 500 libong turista noong Hulyo 2017.
Korea pa rin ang nananatiling pinagmumulan ng maraming bisita, sinundan ng China, United States, Japan at Australia.
Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo Puyat, dahil sa patuloy na komprehensibong branding campaign ng DOT sa mga tourist destinations sa bansa, hindi malayo na mahihigitan pa nila ang target na 7.4 million tourist arrivals ngayong 2018.
Ayon pa sa kalihim, bagaman at may mga umuusbong na problema rin silang kinahaharap, nananatili aniyang matatag ang industriya ng turismo, lalo at kabalikat nila ang kanilang mga stakeholders at ang pamahalaan.