Manila, Philippines – Tumaas pa ang government spending sa mga proyektong imprastraktura ngayong Abril.
Ito ay bilang pasusulong sa maambisyosong Build, Build, Build Program.
Ayon kay Department of Budget and Management (DBM) Secretary Benjamin Diokno, umangat ng 95.9% ang ginastos ng pamahalaan o katumbas ng 65.6 billion pesos.
Doble ito kumpara sa 33.5 billion pesos sa April 2017.
Sumatutal na nagastos ng gobyerno mula Enero hanggang Abril ngayong taon ay nasa 1.03 trillion pesos.
Ang DBM ay planong isumite ang 2019 budget proposal kay Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang pirma sa darating na State of the National Address (SONA) sa Hulyo.
Facebook Comments