Manila, Philippines – Tumaas ng bahagya ang halaga ng piso kontra dolyar.
Base sa foreign exchange, nagsara kahapon sa ₱52.85 ang halaga ng piso sa $1.
Binasag nito ang ₱53.15 record na pinakamataas na halaga ng piso.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ito na ang pinakamatibay na lebel ng piso mula pa sa ₱52.7 noong Hunyo a-otso.
Ang piso ang lumilitaw na ikalawa sa pinakamahinang currency sa mundo kasunod ng Indian rupee.
Facebook Comments