Manila, Philippines – Tumaas ang household savings ng mga Pilipinong nakatira sa labas ng National Capital Region (NCR).
Batay sa pinakabagong Consumer Expectations Survey (CES) na isinagawa ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ang mga household na may savings ay nasa 37.4% para sa second quarter.
Mataas kumpara sa 36.6% nitong nagdaang quarter.
Tumaas din ang bilang ng mga respondents na nagsasabing nakakapagtabi sila ng pera para sa savings sa 43.3% kumpara sa 41.8% nitong first quarter.
Binanggit ng mga respondents ang kahalagahan ng pag-iipon para magamit sa emergencies, education, health and hospitalization, retirement, pagbili ng real estate, at business capital and investment.
Isinagawa ang survey sa 5,517 households sa loob at labas ng NCR.