TUMAAS | Inflation forecast ng BSP para sa taong 2018, tumaas

Manila, Philippines – Tumaas ang inflation forecast ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) para sa taong 2018.

Ito ay nasa 5.2% mula 4.9%.

Ayon sa BSP – umakyat din ang nakikitang inflation para sa susunod na taon sa 4.3% kumpara sa dating forecast na 3.7%.


Nanatili naman sa 3.2% ang forecast para sa taong 2020.

Iginiit ng BSP na kailangan na ng mga hakbang para matugunan ang mga epekto nito tulad ng pagpasa sa rice tarrification bill.
Samantala, nananatili ring matatag ang ekonomiya ng bansa kasunod na rin ng malakas na investment o pamumuhunan nitong ikalawang kwarter ngayong taon.

Facebook Comments