TUMAAS | Inflation rate ng Pilipinas, tumaas nitong Marso; DTI, tiniyak na magbabantay sa posibleng pag-overprice ng mga bilihin

Manila, Philippines – Umakyat sa 4.3% ang inflation rate ng bansa nitong Marso.

Ang inflation rate ay ang paggalaw ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), mas mataas ang kasalukuyang inflation kumpara sa 3.1% na naitala noong Marso 2017.


Aminado naman ang Department of Trade and Industry (DTI) na nagmahal ang presyo ng mga pangunahing bilihin pero pasok pa rin ito sa itinalaga nilang Suggested Retail Price (SRP).

Tiniyak ng DTI na patuloy silang magbabantay para masigurong walang negosyanteng mag-o-overprice ng mga pangunahing bilihin.

Facebook Comments