TUMAAS | Jail congestion sa bansa, tumaas ng higit 600% – COA report

Manila, Philippines – Tumaas ng higit 600% ang jail congestion o siksikan ng mga bilanggo sa kulungan sa Pilipinas.

Sa report ng Commission on Audit (COA), resulta ito ng pinaigting ng kampanya ng gobyerno laban sa ilegal na droga at mabagal na pag-usad ng hustisya.

Base sa datos ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) mula December 31, 2017 ang total jail population ay umabot na sa 146,302.


Sobrang mataas sa kapasidad nito na nasa 20,653 lamang.

Ang Calabarzon (Region-4a) ang may pinakamataas na congestion rate na nasa 975% kasunod ang Central Luzon (Region 3) na may 802% at Davao (Region 11) na may 789%.

Ayon sa COA, mabilis ang paghuli at pagkulong sa mga nadadawit sa ilegal na droga pero mabagal ang pag-usad ng mga kaso nito sa korte dahil sa kawalan ng mga hukom at pagpapaliban sa mga pagdinig nito.

Ang mga bilanggo na nasa ilalim ng poverty line ay walang kakayahang makapagpiyansa kaya nananatili sa kulungan.

Ang mga siksikang kulungan ay nagdudulot ng mabilis na paghawa ng sakit, pagbuo ng mga paksyon o gang sa bawat inmates.

Lumabas din sa report na hindi rin solusyon ang pagpapalawak ng kulungan sa ibang lugar dahil sa kawalan na ng espasyo.

Facebook Comments