Manila, Philippines – Nasa 81, 807 kaso na ng Dengue ang naitatala ng Department of Health simula Enero hanggang ika-11 ng Agosto ngayong 2018.
Mas mataas ng 6% kumpara sa kaparehong mga buwan noong 2017.
Base sa datos ng DOH, karamihan pa rin sa mga kasong ito ay nagmula sa Central Luzon na mayroong higit 12 libong kaso.
Sinundan ng National Capital Region na mayroong higit 10 libong mga kaso.
Pumangatlo ang Central Mindanao (6k+), Western Visayas (6k+) at Ilocos Region (6k+).
Kaugnay nito, nagpapatuloy naman ang isinasagawang information campaign ng DOH sa mga komunidad at paaralan, kontra sa iba’t ibang mosquito-borne diseases.
Ngayong araw, nagtungo si Health Secretary Francisco Duque III sa Tambo Elementary School sa Parañaque City, upang ipaalala sa mga batang magaaral ang kahalagahan ng malinis na kapaligiran, at kung paano maiiwasan ang mga sakit na dala ng lamok.