Manila, Philippines – Nadagdagan pa ng higit 900 kaso ng Human Immunodeficiency Virus (HIV) sa Pilipinas.
Sa datos ng Epidemiology Bureau ng Department of Health (DOH) mula nitong Mayo, nasa 950 cases ang naitala.
Pero mas mababa ito kumpara sa 1,098 cases na narekord noong Mayo ng nakaraang taon.
Nakapagtala naman ng 30 na namatay sa sakit.
Sa kabuuan, mula 1984 ay nasa 55,282 na kumpirmadong kaso ng HIV sa bansa.
Ang pakikipagtalik pa rin ang nangungunang paraan para mahawa o maipasa ang HIV sa ibang tao.
Ang National Capital Region (NCR) pa rin ang may pinakamataas na kaso, kasunod ang CALABARZON, Central Visayas, Central Luzon at Western Visayas.
Facebook Comments