Manila, Philippines – Tumriple pa ang naitatalang kaso ng tigdas sa bansa.
Sa datos ng Department of Health (DOH), mula January 1 hanggang February 3 nasa 877 measles cases ang narekord.
Tatlong beses na mas mataas kumpara sa 293 cases sa kaparehas na panahon noong nakaraang taon.
Nasa 12 na ang namatay dahil sa sakit kung saan nanggaling ang mga ito sa ARMM at SOCCSKSARGEN region.
62% ng mga apektadong pasyente ay hindi nabakunahan kontra tigdas.
Karamihan sa mga kaso ay may edad isa hanggang apat.
Dahil dito, palalakasin ng DOH ang house-to-house immunization at paiigtingin ang surveillance para ma-kontrol ang pagkalat ng sakit.
Facebook Comments