Manila, Philippines – Umaabot na sa halos 600 na kaso ng tigdas ang naitala ng Department of Health (DOH) sa buong bansa mula Enero hanggang Marso 17, 2018.
Ayon sa DOH, pinakamataas ito kumpara sa 16 na kaso noong nakaraang taon sa parehong panahon.
Pinakamaraming naitala ng may kaso ng tigdas ay sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) at Regions 11 At 12.
Dahil dito, ilulunsad ng DOH ang tigdas task force na tututok sa monitoring at pagbabakuna sa mga komunidad.
Gayunman, pagdedesisyunan pa kung gagawin itong mass immunization o sa mga piling lugar lang na may mataas na kaso.
Facebook Comments