TUMAAS | Malacañang, dumepensa sa mataas na bilang ng mga jobless adult sa bansa

Manila, Philippines – Todo ngayon ang depensa ng Palasyo ng Malacañang sa resulta ng survey ng Social Weather Station (SWS) kung saan lumalabas na tumaas ang bilang ng mga walang trabaho sa bansa.

Batay kasi sa survey ay umakyat sa 23.9% ang mga adults na walang trabaho mula sa 15.7% noong nakaraang Disyembre ng 2017.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, dapat bigyang diin na ang adult joblessness ay tumutukoy sa mga empleyadong kusang loob na iniwan ang kanilang mga dating hanapbuhay o mga nagbitiw sa kanilang trabaho.


Kabilang din dito ang natanggal at mga naghahanap pa lamang ng trabaho sa unang pagkakataon.

Kinwestiyon din naman ni Roque ang timing kung kailan isinagawa ang survey na pumatak ng Marso na panahon ng pagtatapos ng mga estudyante at mga panahong naghahanap palamang ang mga ito ng trabaho.

Hindi din naman aniya kataka-taka na tataas ang bilang ng mga walang trabaho ng March ng 2018 kaysa sa December 2017 dahil noong Disyembre ay maraming bukas na tinatawag na seasonal Job sa bansa.

Facebook Comments