Manila, Philippines – Aabot na sa humigit kumulang 2 libong mga kababaihan sa bansa ang infected na ng HIV-AIDS.
Sa record ng Department of Health, mula 2012 hanggang 2017 umabot na sa 1,733 mga Pinay ang maysakit na HIV-AIDS.
Sa kabuuang bilang na ito, 224 ang mga buntis at 38 na ang bilang ng Mother to Child Transmission.
Ngayong ginugunita ang International Women’s Month, sinabi ni House Committee on Women and Gender Equality Chairman Bernadette Herrera na lubhang nakakabahala ang bilang ng mga kababaihan lalo na ang mga ina na naipapasa ang sakit na HIV-AIDS sa mga anak.
Inaatasan ng kongresista ang DOH at DSWD na mag-deploy ng maraming health professionals sa mga lugar na may naitalang mataas na registry data ng mga kababaihang may HIV-AIDS.