
Nararamdaman at nakikita na muli ng publiko ang pagsisikap ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., matapos tumaas ng kanyang trust at performance rating sa pinakahuling survey.
Batay sa survey ng OCTA Research Group, tumaas pa sa 64% ang trust rating ng pangulo sa ikalawang quarter ng taon, habang tumaas din sa 62% ang kanyang performance rating.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, sumasalamin aniya ang resultang ito sa pagiging epektibo ang paghahatid ng mensahe ng gobyerno sa publiko, na nagpapakita sa mga biyahe at trabaho ng pangulo.
Bagama’t hindi naman nagpapaapekto ang pangulo sa mga numero at resulta ng survey, welcome sa kanila ang pagkilala ng publiko sa mga ginagawa ng administrasyon.
Para kay Castro, mas mahirap kung bumababa ang kumpiyansa at tiwala ng publiko sa isang opisyal na aktibong nagtatrabaho, kaysa sa mga opisyal na hindi naman aniya nagta-trabaho pero patuloy na tumataas ang rating.









