TUMAAS | Nakolektang buwis ngayong taon, nasa ₱2.1 trillion

Manila, Philippines – Halos P2.1 trillion ang kabuuang buwis na nakolekta ng pamahalaan mula Enero hanggang Setyembre ngayong taon na mas mataas kumpara sa mga nakalipas na taon.

Batay sa report ng Department of Finance (DOF), nasa P1.4 trillion ang koleksyon ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Aabot naman sa P434.6 billion ang nakolekta ng Bureau of Customs (BOC) habang P216 billion sa mga nalikom ay non-tax revenues.


Nasa ang P16.7 billion naman ay koleksyon mula sa multa at iba pang proseso sa ilalim ng iba pang tanggapan ng pamahalaan.

Tiniyak naman ng DOF na mapupunta ang kanilang koleksyon sa mga proyekto ng pamahalaan na higit na kailangan.

Facebook Comments