TUMAAS NANAMAN | Presyo ng siling labuyo – nagmahal na naman!

88

Manila, Philippines – Nagmahal na naman ang presyo ng siling labuyo sa ilang palengke sa Metro Manila.

Sa Commonwealth market sa Quezon City, mabibili sa halagang P1,200 ang kada kilo ng siling labuyo.

Pwede ring bumili ng tingi – dalawang piso kada piraso.

Paliwanag ng mga nagtitinda, nasa P850 hanggang P900 kasi ang kuha nila sa kada kilo ng labuyo sa balintawak market.

Habang sa kalentong public market sa Mandaluyong City, pumalo sa P900 ang kada kilo ng siling labuyo mula sa dating P500 noong nakaraang linggo.

Facebook Comments