TUMAAS | OFW remittance sa Kuwait, tumaas ngayong Abril

Tumaas ang remittances ng mga OFWs sa Kuwait nitong Abril.

Ayon kay Committee on Banks and Financial Intermediaries Vice Chairman Henry Ong, batay sa data ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), umakyat sa $8 million nitong Abril ang cash remittances ng mga OFWs sa Kuwait mula sa $33.9 million noong buwan ng Marso.

Hindi pa kasama sa pagtaas ng remittances ang impact sa total lifting ng deployment ban ng mga OFWs sa Kuwait at ang personal remittances ng mga OFWs na kabilang sa na-repatriate o kaya ay umuwi ng bansa para magbakasyon.


Ilan sa mga factors naman na nakikita ni Ong sa pagtaas ng remittance ay hindi natapat sa buwan ng Abril ang Holy Week para masuspinde ang money transfer, bakasyon at graduation.

Ang Kuwait ay pang-sampu sa top sources ng overseas remittances ng Pilipinas kasama din dito ang US, Saudi Arabia, United Arab Emirates (UAE), Japan, Singapore, United Kingdom, Canada, Germany, at Qatar.

Umaasa si Ong na sa nagdaang buwan ng Mayo at ngayong Hunyo ay mas tataas pa ang remittance ng mga OFWs ngayong wala ng deployment ban at pasukan na ng mga estudyante.

Facebook Comments