TUMAAS | Pagtaas ng Gross Domestic Product ng Pilipinas, ikinatuwa ng Malacañang

Manila, Philippines – Ikinatuwa ng Malacañang ang pagtaas ng Gross Domestic Product o GDP ng Pilipinas.

Sabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, kung ikukumpara sa kaparehong buwan noong nakaraang taon kung saan naitala ang 6.5% growth ay mas mabilis ngayon ang paglago ng ekonomiya sa 6.8%.

Aniya, tiwala sila na magtutuloy-tuloy ang economic momentum ng bansa sa tulong na rin ng pagpapatupad ng Tax Reform for Acceleration and Inclution o TRAIN law.


Ibinida rin ni Roque na mas mapasisigla pa ang ekonomiya ng bansa dahil sa build-build-build program ng Administrasyong Duterte na siyang magbibigay ng maraming trabaho sa mga Pilipino at pera na iikot sa ekonomiya.

Batay sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA), nanguna sa mga nagpasigla ng ekonomiya ng bansa ay ang manufacturing industry, trade at ang services sector.

Facebook Comments