TUMAAS | Patay sa dahil sa Leptospirosis sa Pangasinan umabot na sa 26!

Tumaas ng 135% ang kaso ng Leptospirosis sa Pangasinan matapos ang sunod sunod na pagbaha at pag-ulan sa Probinsiya.
Ayon sa Pangasinan Health Office (PHO) umabot na sa 207 ang tinamaan ng leptospirosis mula Enero hanggang Agosto ngayong taon at 26 dito ay namatay.Mga kalalakihan ang madalas na tinamaan ng leptospirosis at Nangunguna ang Dagupan City na mayroon pinakamataas na kaso kasama ang Binmaley, Calasiao at Mangaldan.
Dahilan ng pagtaas di umano ng kaso nito ay dahil hulyo pa lamang ay binaha na ang probinsiya kaya inaabisuhan ang publiko na umiwas na lumusong sa baha upang hindi matamaan ng leptospirosis.
Sa tala ng Pangasinan Provincial Hospital ang Water Borne Diseases, Influenza, Leptospirosis at Dengue o W.I.L.D ang binabantayan ng probinsya dahil sa mataas na kaso ng mga ito. [image: 1_W7vOrIN4P2AH8sAMbeeEAQ.png]

Facebook Comments