TUMAAS | Rice inventory sa bansa, bahagyang tumaas ayon sa PSA

Manila, Philippines – Unti-unti nang umaangat ang imbentaryo ng bigas ng Pilipinas.

Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), nitong Mayo ay umabot sa 2.91 million metric tons ang total rice inventory.

33% na mataas kumpara sa 2.18 million metric tons nitong Abril.


Bagama’t tumaas, mababa pa rin ito kumpara sa naitalang 3.2 million metric tons noong nakaraang taon.

Hindi na binanggit ng PSA ang bilang ng araw na magtatagal ang rice inventory.

Pero base sa 32,000 metric tons na average daily consumption ng mga Pilipino, ang kasalukuyang imbentaryo ay sapat para sa 91 araw.

Facebook Comments