TUMAAS | Tatlo sa bawat apat na Pilipino, nagsasabing masaya silang magdidiwang ng pasko – SWS

Manila, Philippines – Tatlo sa bawat apat na Pilipino ang naniniwalang masaya nilang ipagdidiwang ang pasko ngayong taon.

Sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations, 77% ang nagsabing masaya silang magpapasko, ito ang pinakamataas na rating mula pa noong 2003.

Limang porsyento naman ang nagsasabing malungkot nilang ipagdidiwang ang pasko habang 18% naman ang nasa gitna o hindi naman masaya o malungkot.


Bukod dito, 81% naman ang nagsabing magandang magbigay ng regalo ngayong Christmas season habang 19% naman ang naniniwala sa ‘better to receive’.

Isinagawa ang December 2017 survey sa 1,200 respondents na may margin of error na +/- 3%.

Facebook Comments