Manila, Philippines – Pumalo sa all-time high 732,506 tourist arrival ang naitala ng Department of Tourism nuong nakalipas na buwan.
Mas mataas ito ng 15.97% kung ikukumpara sa nakalipas na taon sa kaparehong panahon.
Sa datos ng DOT Tourism Research and Statistics Division, Office of Tourism Planning, nangunguna parin ang South Koreans sa bmisita sa bansa na mayruong 198,145 arrivals na sinundan naman ng Chinese arrivals na 111,344 hindi din papatalo ang mga taga-United States na mayroong 109,154 arrivals Japan 57,038 at Australia 30,924 arrivals.
Ayon sa DOT isa sa mga nakikita nilang dahilan kung bakit tumaas ang pagdagsa ng mga turista sa bansa ay dahil sa pagdami ng flights patungong ‘Pinas.
Isang halimbawa na dito ang three-times-a-week commercial direct-flight ng Xiamen Airlines na may byahe mula Fuzhou, China patungong Kalibo, Aklan at Puerto Princesa.
Gayundin ang pinaraming byahe ng eroplano mula China, Korea, United States, Australia at Canada patungo sa bansa.
Kumpyansa naman ang DOT na makakamit nila ang 7.5 million target international arrivals ngayong 2018.