Manila, Philippines – Nakakuha ng “very good” trust rating si Vice President Leni Robredo batay sa fourth quarter 2017 survey ng Social Weather Stations (SWS).
Sa survey, tumaas sa 52 percent ang rating ni Robredo mula sa 36 percent o “good” net trust rating nito noong September 2017.
Lumabas rin sa survey na 66 percent ng mga pinoy ang nagtitiwala kay Robredo, habang 14 percent ang nagsabing kakaunti lang ang kanilang tiwala sa bise presidente.
20 percent naman ang nagsabing “undecided” o hindi tiyak kung nagtitiwala sila rito.
Facebook Comments