Manila, Philippines – Tumaas ng P1.1 million ang net worth ni Pangulong Rodrigo Duterte batay sa kanyang 2017 Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).
Sa inilabas na saln ng Office of the Ombudsman, nakasaad na ang net worth ni Duterte ay umabot sa P28.54 million noong katapusan ng Disyembre 2017.
Ito ay 4 percent na mataas kumpara sa kabuuang net worth ni Duterte na mahigit P27.42 million noong 2017.
Inihain ng Pangulo ang kanyang SALN sa Ombudsman apat na araw bago ang April 30 deadline alinsunod sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.
Sa SALN ng Pangulo, nakalista ang siyam na real properties niya sa Davao City, personal properties gaya ng kaniyang mga alahas, investments at ibang personal na pag-aari.
Nakasaad din sa SALN ng Pangulo ang tatlong residential lands sa Davao City.
Ang pagtaas ng net worth ni Duterte ay galing sa kanyang cash na hawak at nasa bangko na P19,365,321.07 na nadagdagan ng mahigit P911,000 gayundin ang nabawasan nitong liability na personal na utang sa negosyanteng si Samuel Uy.