Tumaba, lumaki raw muscles: Winwyn Marquez, pumalag sa body shamer

558
Instagram/@teresitassen

Sinagot ni Winwyn Marquez ang puna ng isang netizen sa kanyang pangangatawan, partikular ang naglakihan niyang muscles.

“Tumaba ka, ang lalaki ng mga muscles. Maganda yung katawan mo dati yung nanalo ka as [queen],” komento ng Instagram user na @si_bebe_ni sa post ng beauty queen noong Sabado.


Tugon naman dito ni Marquez, “Well I like my muscles and if mataba yan for you search mo words na fit and healthy sa Google.”

“I don’t need to adjust dahil mas gusto mo yung katawan ko dati,” aniya, at humirit pa na, “Work out ka rin regularly.”

Pinasadahan niya rin ang naturang usapin nang mag-post siya sa natapos niyang 30-day fitness challenge nitong Linggo.

“Fat and Thin are not the only words to describe someone. Try adding FIT, STRONG and HEALTHY to your vocabulary,” sabi niya sa post.




Ipinagmalaki rin ni Marquez sa post ang kanyang abs at toned na mga braso, na ipinagpasalamat niya sa kanyang coach na nanigurong tuloy ang workout kahit na may enhanced community quarantine.

https://www.instagram.com/p/B_cZOnhgNR8/

Bago pa man manalo bilang Reina Hispanoamericana noong 2017, aktibo na si Marquez sa pagbabahagi ng workout videos sa kanyang Instagram.

Facebook Comments