TUMAKAS | Anim na preso na nakatakas sa Maguindanao Provincial Jail, patuloy na pinaghahanap

Maguindanao – Patuloy na pinaghahanap ng mga otoridad ang anim na presong nakatakas sa Maguindanao Provincial Jail.

Nakilala ng mga pugante na sina Dante Karatuan, Gole Mangandong, Sindatuk Ampatua, Sadam Montani, Aminodin Maliga at Thorag Sabal.

Sa ulat, tumakas ang mga ito habang abala ang mga guwardiya sa paghahanda ng kanilang almusal sa PC Hill, Barangay Rosary Heights 1.


Una naman napatay ang kasamahan nilang preso na si Michael Balitoc makaraang barilin ng mga prison guard matapos na nagpatuloy sa pagtakbo sa kabila ng warning shot.

Nananawagan naman ang provincial government sa publiko na agad tawagan ang mga otoridad kung may alam sila sa kinaroroonan ng anim na pugante.

Facebook Comments