Walang koneksyon sa pinangangambahang ‘The Big One’ ang tumamang magnitude 6.1 na lindol sa Castillejos, Zambales kahapon.
Ito ang nilinaw ng Phivolcs makaraang maramdaman din ang pagyanig sa Metro Manila at ilang pang kalapit na lalawigan sa Central Luzon.
Ayon kay Dr. Rhommel Grutas, Senior Science Research Specialist ng Phivolcs, malayo at hiwalay sa West Valley Fault ang pagyanig sa Zambales.
Aniya, malakas at mababaw kasi ang lindol kaya nagdulot ito ng matinding pinsala at casualties.
Muli namang nagpaalala ang Phivolcs sa publiko na mag-ingat dahil posibleng tumagal pa ng dalawang linggo ang mararanasang aftershocks sa mga apektadong lugar.
Facebook Comments