TUMANGGI | Isa sa mga suspek sa pagpatay sa isang police official sa Cainta, sumuko na

Cainta – Sumuko na kahapon ang isa sa mga suspek umano sa pagpatay kay Cainta Deputy Chief of Police Sr. Insp. Jimmy Senosin.

Kusang pumunta sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Camp Crame, Quezon City si Hermogenes Lachica alyas ‘Ekis’.

Mariing itinanggi ni Lachica na may kinalaman siya sa pagpatay kay Senosin at sinabing gawa-gawa lang ito ng isang alyas bolao na umano’y hepe ng presinto sa Lakas Bisig Floodway sa Cainta.


Matatandaang namatay si Senosin noong pebrero 11 matapos makipagpalitan ng putok ng baril sa mga armadong lalaki sa brgy. San Andres, Cainta Rizal.

Bukod kay Lachica, suspek din ang kinikilalang lider ng notorious na highway boys na si Robin Gomez alyas Ruben Tae.

Facebook Comments