Manila, Philippines – Tumanggi muna si Supreme Court Spokesman Theodore Te na magbigay ng pahayag kaugnay ng impeachment case na isinampa ng minority congressmen laban sa mga mahistradong bumoto labor sa quo warranto petition laban kay dating chief justice Maria Lourdes Sereno.
Ayon kay Te, hihintayin muna nila ang kopya ng impeachment complaint bago magbigay ng reaksyon.
Sa tanong naman kung makaka-apekto ito sa aplikasyon ng mga mahistrado sa chief justice post, inihayag ni Te na pinauubaya na nila sa Judicial and Bar Council kung bubuksan nila ang usapin sa deliberasyon.
Kabilang sa mga sinampahan ng impeachment case sina Supreme Court Associate Justices Teresita De Castro,Diosdado Peralta,Lucas Bersamin,Francis Jardeleza,Noel Tijam,Andres Reyes Jr. at Alexander Gesmundo.
Samantala, bukas nakatakdang ilabas ng JBC ang shortlist para sa Chief Justice post.