TUMANGGING I-REFUND NG BUO | Sanofi, pinapa-blacklist sa pagpasok ng kontrata sa gobyerno

Manila, Philippines – Ipinapasailalim sa blacklisting ang Sanofi Pasteur kung saan hindi na ito papayagan na pumasok sa mga kontrata ng gobyerno.

Hiniling nila Bicol Representative Rodel Batocabe at Surigao Representative Robert Barbers sa DOH na gawin ito matapos na tumanggi ang Sanofi na i-refund ng buo ang pinambili ng Dengvaxia Vaccine na aabot sa P3 Billion.

Giit ni Batocabe, maaari namang maghanap ng iba pang legal na paraan ang pamahalaan tulad ng blacklisting sa Sanofi at pagsasampa ng kaso sa korte.


Sinabi naman ni Barbers na hindi dapat matakot ang gobyerno kung multinational company man ito dahil malinaw na palpak ang kumpanya.

Paliwanag pa ng mga kongresista, hindi naman maaring pilitin ang Sanofi yung ayaw nito na mag-refund kaya dapat gumawa ng ibang paraan ang gobyerno.
Sakali anyang ma-blacklist ang Sanofi sa pagpasok sa kontrata sa pamahalaan magdudulot ito ng malaking epekto sa nasabing International Pharmaceutical Company lalo na sa tingin ng iba pang bansa.

Facebook Comments