TUMAOB | Tatlong bata na sakay ng lumubog na motor banca sa karagatan ng Cebu, patuloy pa ring pinaghahanap

Cebu – Pinaghahanap pa rin ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang tatlong batang sakay ng motor banca na Habagat Romeo, makaraan itong tumaob sa karagatang sakop ng Camotes, Cebu kahapon.

Sa inisyal na imbestigasyon ng PCG, sakay ng motor banca ang 34 na pasahero, at binabaybay ang karagatan ng San Francisco, Camotes, Cebu patungo sa Camotes Island nang pataubin ito ng naglalakihang mga alon.

Dalawa pasahero nito ang nasawi na kinilala bilang si: Neriza Gonzaga, tinatayang nasa 30-40 anyos, at si Althea Gonzaga, dalawang taong gulang na bata.


Pinaghahanap pa rin ang iba pa na sina: Carol Palomar, 9 na taong gulang, Kiven Gonzaga, 4 na taong gulang at Andia de Leon, 2 taong gulang.

Facebook Comments