
Ngayong Biyernes ay nakatakdang bumisita sa bansa si United States Defense Secretary Pete Hegseth.
Ito ang kauna-unahang pagbisita ni Hegseth sa Asia at unang pinakamataas na opisyal ng administrasyon ni US President Donald Trump na bibisita sa bansa.
Ayon kay Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez, ang pagbisita ni Hegreth ay indikasyon ng kahalagahan ng Pilipinas para sa US at sa alyansa ng depensa.
Tatalakayin din ang mga usapin tungkol sa mga sigalot sa South China Sea.
Sinabi ng US Defense Department na ang pagbisita ni Hegseth ay naglalayong patuloy na palakasin ang kanilang mga alyansa at upang isusulong ang mga layunin sa seguridad kasama ang mga pinuno ng Pilipinas at makipagpupulong sa mga pwersa ng US at Pilipinas.
Bago magtungo sa Pilipinas ay bibisita muna si Hegseth sa Hawaii at Guam.
Pagkatapos ng kanyang pagbisita sa Maynila ay tutungo naman ito sa Japan para makibahagi sa paggunita sa ika-80 anibersaryo ng labanan ng Iwo Jima.