Inihayag ng Department of Foreign Affairs o DFA na nababahala ang Pilipinas sa tumataas na tensyon sa Taiwan Strait sa hilaga lamang ng Pilipinas.
Ayon sa DFA, sumusunod ang Pilipinas sa One-China Policy kung saan ay hinihimok ng Pilipinas ang magkabilang partido na dapat mangibabaw ang diplomasya at magkaroon ng diyalogo ang magkabilang panig.
Una nang inihayag ng Taiwan Defense Ministry na ang ginagawang hakbang na military exercise ng China ay katumbas ng isang maritime at aerial blockade na nagbabanta sa international water.
Matatandaang naglabas din ang Maritime and Port Bureau ng Taiwan ng tatlong abiso noong Miyerkules na humihiling sa mga sasakyang pandagat na gumamit ng mga alternatibong ruta para sa pitong daungan sa paligid ng isla.