TUMATAKBONG KAPITAN SA BAYAN NG AGUILAR, PATAY SA PAMAMARIL

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon sa pagpatay sa isang kumakandidatong Barangay Kapitan sa bayan ng Aguilar.
Kinilala ang biktima na si Arnel Flor Mata, residente ng Barangay Bayaoas sa nasabing bayan at tumatakbong kapitan doon.
Ayon sa PNP, binaril si Flor Mata sa kanilang Barangay matapos ng kanilang Miting de Avance pasado alas onse ng Gabi.

Isinugod pa sa pagamutan ang biktima sa bayan ng Mangatarem subalit idineklarang Dead on Arrival.
Sa ngayon ay inaalam na lahat ng posibleng anggulo at motibo sa pagbaril sa biktima. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments