Tumatakbong mayor sa Leyte, nanalo dahil sa isang boto

Image via Facebook/Don Leandrew Solmayor-Tiu

Nang dahil sa isang boto, nanalo ang tumatakbong alkalde ng San Isidro, Leyte na si Remedio “Wingbebot” Veloso laban kay incumbent mayor Susan Ang.

Sa opisyal na resulta ng COMELEC, nagkamit si Veloso ng 8,829 boto at 8,828 si Ang na tumatakbo para sa ikalawang termino. Kagabi, iprinoklama ng COMELEC ang kandidato mula sa United Nationalist Alliance.

Pamangkin ni Congressman Vicente Veloso mula sa ikatlong distrito ng Leyte ang bagong halal na mayor ng San Isidro.


Ngunit nasasangkot si Veloso sa pagkamatay ni Municipal Administrator Levi Mabini na pinagbabaril sa bahay ni Ang nitong Mayo 8. Agad naman niyang itinanggi ang nasabing paratang.

Facebook Comments