TUMATANGGAP NA | JBC, nagbukas na rin sa aplikasyon para sa binakanteng pwesto ni Martires

Manila, Philippines – Tumatanggap na rin ang JBC ng mga aplikasyon at nominasyon para sa nabakanteng pwesto ni dating Supreme Court Associate Justice at ngayon ay Ombudsman Samuel Martires.

Ang mga gustong maging Supreme Court Associate Justice ay mayroong hanggang September 3, 2018 para magsumite ng lahat ng requirement.

4:30 ng hapon sa September 3 ang deadline sa pagtanggap ng JBC ng aplikasyon para sa associate justice post.


Sa August 8 ay isa pang pwesto sa Korte Suprema ang mababakante dahil magreretiro si Associate Justice Presbitero Velasco.

Facebook Comments